1-Pacman nakiisa sa paglunsad ng True Movement for Change sa Laguna

By Jan Escosio March 28, 2025 - 12:30 PM

PHOTO: Cindy Carolino, Tony Carolino, and Milka Romero FOR STORY: 1-Pacman nakiisa sa paglunsad ng True Movement for Change sa Laguna
Si 1Pacman first nominee Milka Romero (kanan) kasama si Mayor Cindy Carolino ng Santa Maria, Laguna, at ang kanyang asawa na is Atty. Tony Carolino, ang lead convenor ng True Movement for Change —Larawan mula sa 1Pacman

METRO MANILA, Philippines — Nakiisa ang 1-Pacman Party-list sa paglulunsad ng True Movement for Change sa ika-apat na distrito ng Laguna.

Kabilang si 1-Pacman first nominee Milka Romero sa mga naging panauhing pandangal ng ilunsad ang grupo kamakailan sa Santa Cruz, Laguna.

Si Atty. Tony Carolino ang lead convenor ng bagong grupo at kandidato siya sa pagka-kongresista sa huling distrito, na binubuo ng 16 na bayan.

BASAHIN: Walong lugar sa Calabarzon tinukoy na election hotspots

“Ang labing anim na bayan sa ika-apat na distrito ay nagnanais ng tunay na pagbabago. Kapuna-punang kakaunti ang ating nakakamtam sa mga programang nasyonal dito sa ikaapat na distrito,” sabi ni Carolino.

Ayon naman ka Romero napakalahaga na ang mga sectoral group tulad ng 1-Pacman Party-list ay nakikipag-alyansa sa mga grupo o organisasyon na hangarin ang pagbabago at pag-unlad.

Nakita aniya niya ang mga pangangailangan sa ikaapat na distrito ng Laguna at ito ay farm-to-market roads, health centers, at livelihood programs.

Sabi niya kabilang ito sa mga isinusulong ng 1-Pacman bukod sa grassroots root sports development, edukasyon at kapakanan ng mga kababaihan at kabataan.

TAGS: 1PACMAN, 2025 elections, Philippine elections, True Movement for Change, 1PACMAN, 2025 elections, Philippine elections, True Movement for Change

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub