P58 per kg MSRP sa imported rice ipapatupad sa Metro Manila muna

By Jan Escosio January 10, 2025 - 12:02 PM

PHOTO: Francisco Tiu Laurel Jr. FOR STORY: P58 per kg MSRP sa imported rice ipapatupad sa Metro Manila muna
Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. — INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Ipapatupad sa ika-20 ng Enero ang P58 per kg na maximum suggested retail price (MSRP) sa mga imported na bigas.

Ang MSRP ipapatupad muna sa Metro Manila bago sa mga lalawigan, ayon sa pahayag nitong Biyernes ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Idinagdag ni Laurel na kada buwan ay magsasagawa ng review sa pagpapatupad ng MSRP upang malaman kung tamang hakbang ang pagpapatupad nito.

BASAHIN: DA, DTI sanib puwersa kontra pagtaas ng presyo ng imported rice

Naniniwala si Laurel na ito ay epektibong paraan para labanan ang pagsasamantala sa presyo ng mga negosyante.

TAGS: Department of Agriculture, Francisco Tiu Laurel Jr., imported rice, rice prices, Department of Agriculture, Francisco Tiu Laurel Jr., imported rice, rice prices

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.