Senate sisilipin nasayang na P11 B na mga gamot at bakuna ng DOH

METRO MANILA, Philippines — Naghain ng resolusyon si Sen. Joel Villanueva upang maimbestigahan sa Senado ang napaulat na pagkakasayang ng mahigit P11 bilyong halaga ng mga gamot at bakuna ng Department of Health (DOH).
Binanggit ni Villanueva sa kanyang Senate Resolution No. 1326 na dapat ay matukoy ang mga opisyal ng kagawaran na maaring mapanagot dahil sa kapabayaan at katiwalian.
Base sa ulat ng Commission on Audit, aabot sa P11.18 bilyon ang halaga ng mga gamot, bakuna, at iba pang medical supplies ang inabot ng expiration noong 2023.
BASAHIN: P387-M inilabás ng DBM pambilí ng DOH emergency vehicles
Kabilang sa mga nasayang ang pitong milyong vials ng bakuna laban sa COVID-19.
Nakasaad din ang audit report ang mga nasayang na bakuna at medical supplies noong nagdaang administrasyong-Duterte na aabot sa higit P7.5 bilyon.
Ayon sa senador, malinaw ang mga hindi maayos na pagpaplano, distrubusyon at monitoring.
Ngayon taon, dagdag pa ni Villanueva, naglaan ang DOH ng P12.25 bilyong halaga ng mga gamot, bakuna, bitamina at medical supplies.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.