P387-M inilabás ng DBM pambilí ng DOH emergency vehicles
METRO MANILA, Philippines — Inaprubahán ng Department of Budget and Management (DBM) ang hilíng ng Department of Health (DOH) na makabili ng 141 medical vehicles.
Sa pahayág ng DBM nitóng Miyerkules, inaprubahan noong nakaraang linggo ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang Authority to Purchase Motor Vehicles (APMV) na nagkakahalaga ng P387 million noong ika-11 ng Hunyo.
Kabilang sa mga bibilhín ay mga ambulansya, sea ambulances, at patient transport vehicles.
BASAHIN: Performance bonus ng gov‘t workers ibibigáy – DBM
BASAHIN: DBM inaprubahán pagtanggáp ng 5,000 teacher aides ng DepEd
Ang pagbilí ng mga sasakyán ay bahagi Health Facilities Enhancement Program (HFEP), na layuning mapabilís ang pagbibigáy ng serbisyong pangkalusugan hanggáng sa mga kanayunan.
Sinabi ni Pangandaman na ang HFEP ay alinsunod sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makapagbigáy ng maayos na serbisyong pangkalusugan sa lahát, lalo na sa mga mahihirap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.