3 ‘graduating senators’ umarangkada sa Metro Manila campaign

By Jan Escosio March 28, 2025 - 02:47 PM

PHOTO: Nancy Binay FOR PHOTO: 3 ‘graduating senators’ umarangkada sa Metro Manila campaign
Si Sen. Nancy Binay ay tumatakbong mayor ng Makati —Larawan mula sa kanyang opisina

METRO MANILA, Philippines — Kabilang sina Sens. Aquilino “Koko” Pimentel III, Nancy Binay, at Cynthia Villar sa apat na “graduating senators” ngayon taon.

Pare-parehong kandidato sa lokal na posisyon sa Metro Manila ang tatlong senador.

Tumatakbo sa pagka-kongresista ng natatanging distrito ng Las Piñas City si Villar at sa unang distrito naman ng Marikina City si Pimentel.

Si Binay ang tinatarget na maging susunod na alkalde ng Makati City.

BASAHIN: Bagong istratehiya pinaplano ng Alyansa para manalo 12 kandidato

Kaninang umaga nitong Biyernes ay pare-parehong nagsimba ang tatlo sa unang araw ng kampanya para sa mga lokal na posisyon.

Si Villar nagsimba sa San Ezekel Moreno Parish Church, si Pimentel naman ay sa Diocesan Shrine of Our Lady of the Abandones, at si Binay naman ay sa San Ildefonso Parish Church.

Makakaharap ni Villar ang si Councilor Mark Anthony Santos, samantalang karibal ni Binay sa posisyon ang bayaw na si Makati Rep. Luis Campos, mister ni Makati Mayor Abby Binay.

Wala pang kasiguruhan kung makakaharap ni Pimentel si Marikina City Mayor Marcelino Teodoro dahil ibinasura ng Commission on Election ang certificate of candidacy ng huli ngunit hindi pa ito pinal.

Samantala, ang isa pang graduating senator ay si Grace Poe.

Dapat ngayong taon din magtatapos ang termino ni Sonny Angara, ngunit nagbitiw ito sa puwesto at kasalukuyang kalihim ng Department of Education.

Ang pitong reelectionist senators ay sina Francis Tolentino, Ramon Revilla Jr., Lito Lapid, Pia Cayetano, Christopher Go, Ronald dela Rosa, at Imee Marcos.

TAGS: 2025 elections, Aquilino Pimentel III, Camille Villar, Nancy Binay, Philippine elections, 2025 elections, Aquilino Pimentel III, Camille Villar, Nancy Binay, Philippine elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub