
METRO MANILA, Philippines — Nakiisa ang 1-Pacman Party-list sa paglulunsad ng True Movement for Change sa ika-apat na distrito ng Laguna.
Kabilang si 1-Pacman first nominee Milka Romero sa mga naging panauhing pandangal ng ilunsad ang grupo kamakailan sa Santa Cruz, Laguna.
Si Atty. Tony Carolino ang lead convenor ng bagong grupo at kandidato siya sa pagka-kongresista sa huling distrito, na binubuo ng 16 na bayan.
BASAHIN: Walong lugar sa Calabarzon tinukoy na election hotspots
“Ang labing anim na bayan sa ika-apat na distrito ay nagnanais ng tunay na pagbabago. Kapuna-punang kakaunti ang ating nakakamtam sa mga programang nasyonal dito sa ikaapat na distrito,” sabi ni Carolino.
Ayon naman ka Romero napakalahaga na ang mga sectoral group tulad ng 1-Pacman Party-list ay nakikipag-alyansa sa mga grupo o organisasyon na hangarin ang pagbabago at pag-unlad.
Nakita aniya niya ang mga pangangailangan sa ikaapat na distrito ng Laguna at ito ay farm-to-market roads, health centers, at livelihood programs.
Sabi niya kabilang ito sa mga isinusulong ng 1-Pacman bukod sa grassroots root sports development, edukasyon at kapakanan ng mga kababaihan at kabataan.