Walong lugar sa Calabarzon tinukoy na election hotspots

March 27, 2025 - 01:50 PM

PHOTO: Police officers at a Comelec checkpoint FOR STORY: Walong lugar sa Calabarzon tinukoy na election hotspots
File photo mula sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Higit isang buwan bago ang midterm elections, may isang lungsod at pitong bayan sa tatlong lalawigan sa Calabarzon Region ang tinukoy ng election hotspots.

Ayon sa Calabarzon police director, Brig. Gen. Kenneth Lucas, ang mga sumusunod na lugar ay nailista sa “yellow category”:

  • Lagunan: Santa Maria
  • Batangas: Mataas na Kahoy, San Jose, Taal, at Tanauan City
  • Quezon: Candelaria at San Francisco

Ito aniya ang mga lugar na may kasaysayan ng karahasan tuwing may halalan.

BASAHIN: Kapayapaan sa Mindanao titibay sa pagpaliban ng BARMM elections 

Tanging ang bayan ng Tagkawayan sa Quezon ang nasa “orange category” — o ang mga lugar na may seryosong pagbabanta.

Sinabi pa ni Lucas na may 197 na pulis sa rehiyon ang maaring magsilbi bilang special electoral board members.

Samantala, 13,679 na pulis sa Calabarzon ang sumailalim sa seminars ukol sa election guidelines at sa mga batas na gumagabay sa pagsasagawa ng halalan.

TAGS: 2025 elections, election hotspots, Philippine elections, 2025 elections, election hotspots, Philippine elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.