Matatag na loob birthday wish nina dela Rosa, Go kay Rodrigo Duerte

METRO MANILA, Philippines — Sa pagbati nila kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-80 na kaarawan nito ngayon araw ng Biyernes, sinabi nina Sens. Ronald “Bato” dela Rosa at Christopher “Bong” Go na ipapanalangin nila na maging matatag ang dating pangulo sa kasalukuyang sitwasyon nito.
Sinabi ni dela Rosa na hiniling din niya na hindi mawalan ng pag-asa ang dating pangulo, na iseselebra ang kaarawan sa loob ng kanyang kulungan ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, dahil sa kanyang crimes against humanity na kaso.
“Ang masasabi ko lang sa kanya ay itong lahat ng mga pagsubok na ito ngayon ay malalampasan natin ito. Walang permanent sa mundong ibabaw. Everything is temporary. So magpakatatag lang tayo, laban lang at huwag mag-surrender,” ang mensahe ni dela Rosa kay Duterte.
BASAHIN: Marcos admin officials itinangging isinuko sa ICC si Rodrigo Duterte
Hiniling din ni dela Rosa na isipin ni Duterte ang mga Filipino na patuloy na sumusuporta sa kanya.
“Huwag siyang sumuko sa laban. Laban lang because the majority of the Filipino people ay nakikiramay sa kanya at gustong-gustong maibalik siya dito sa Pilipinas,” sabi pa niya.
Samantala, sinabi naman ni Go na ipagdadasal niya ang dating pangulo.
“Sa araw na ito, nais ko lang iparating ang tos-pusong dasal at suporta kay Tatay Digong. Isa siyang lider na buong buhay ay inalay sa kapakanan ng Pilipino. Hanggang ngayon, ramdam pa rin natin ang kanyang malasakit,” pahayag ni Go.
Si Go ay nagsilbing special assistant ni Duterte sa Malacañang, samantalang si dela Rosa naman ang unang hepe ng Philippine National Police (PNP) ng nakalipas na administrasyon.
Sina dela Rosa at Go ay sabay na nahalal na senador noong 2019 at muling tumatakbo sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.