Bong Revilla suportado term extension ng barangay officials

PHOTO: Ramon “Bong” Revilla Jr. FOR STORY: Bong Revilla suportado term extension ng barangay officials
Naglibot kamakailan sa Nueva Ecija si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. —Larawan mula sa kanyang opisin

METRO MANILA, Philippines — Nais ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., na mapahaba ang termino ng mga opisyal ng barangay.

Ipinaliwanag ito ng senador kamakailan lang nang makaharap niya ang barangay officials at barangay frontliners ng Zaragoza, Nueva Ecija.

“Hindi biro ang trabaho sa barangay, kaya dapat may sapat na oras ang ating mga opisyal para maisakatuparan ang kanilang mga proyekto,” ani Revilla.

BASAHIN: ‘Pagkain sa Bawat Hapag’ campaign inilatag ni Revilla sa Pangasinan

Nakaharap din niya sa bayan ng Talavera ang mga barangay workers at sa siyudad ng Muñoz ay dumalo siya sa pagdiriwang ng pamahalaang bayan ng Women’s Month.

Bumisita din si Revilla sa pamilihang bayan ng Rizal kung saan nakaharap niya ang mga mamimili, bago ang mga lokal na kawani at senior citizens.

Nangampaniya din ang senador sa mga bayan ng Santo Domingo, Cuyapo, Licab, Quezon, Talavera, at San Antonio.

Read more...