2 Thai timbog sa mga baril, pampasabog, at spy gadgets sa Muntinlupa

METRO MANILA, Philippines — Nasa kustodiya at iniimbestigahan ngayon ng Southern Police District ang dalawang Thai nationals na nahuli sa Muntinlupa City Huwebes ng umaga.
Base sa ulat, nakumpiska mula sa dalawang banyaga, na may edad 32 at 38 at kapwa residente ng Bacoor City, Cavite, ang dalawang kalibre .45 na baril, isang granada, at mga bala.
Nakuha din sa kanila ang ilang surveillance equipment, tatlong cellphones, at isang sasakyan.
BASAHIN: Bureau of Immigration humahanap iba pang banyagang espiya
Isinumbong sila sa SPD Intelligence Division ng inarkila nilang driver matapos makita ang bitbit nilang mga baril.
Naaresto ang dalawang suspek sa Biazon Road, Barangay Poblacion 12:45 a.m.
Aalamin kung espiya ang dalawa, na nahaharap na sa kasong paglabag sa election gun ban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.