Bureau of Immigration humahanap iba pang banyagang espiya

METRO MANILA, Philippines — Pursigido ang Bureau of Immigration (BI) na makilala ang mga banyagang kakutsaba ng naarestong hinihinalang espiya ng China sa Pilipinas.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado naniniwala sila na may mga banyagang tumutulong kay Deng Yuanqing, na naaresto noong ika-17 ng Enero 17 sa Makati.
Hinuli din ang dalawang Filipino na kasama ni Deng na sina Ronnel Besa at Jayson Fernandez.
BASAHIN: Immigration Bureau binanatan ni Sen. Bong Revilla sa “offloading issue”
Base aniya sa mga nakalap nilang dokumento, nakapag-asawa ng isang Filipina si Deng at simula noong 2015 ay ilang beses na itong lumabas at bumalik ng Pilipinas.
Idinagdag pa ni Viado na ibinahagi na nila sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ang lahat ng mga nakalap nilang impormasyon ukol kay Deng.
Sina Deng, Besa, at Fernandez ay sinampahan na ng kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.