Kapayapaan sa Mindanao titibay sa pagpaliban ng BARMM elections
METRO MANILA, Philippines — Naniniwala si Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na mas makakabuti sa pangkalahatang sitwasyon ng MIndanao kung ipagpapaliban ang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Ejercito kung ipagpapaliban ang eleksyon mas magagarantyahan ang kapayapaan at maaayos ang ilang hamon kaugnay sa eleksyon.
Napakahalaga aniya ang kapayapaan sa pag-unlad ng isang lugar.
BASAHIN: Debate sa BARMM election postponement bill aabangan sa Senado
Inilatag ni Ejercito sa plenaryo ang Senate Bill 2942 upang maipagpaliban sa Agosto 11, ngayon taon ang BARMM elections mula sa Mayo 11.
Samantala, sinabi ni Senate President Francis Escudero na kailangan na mapagdesisyunan ng mga senador ang panukalang batas hanggang sa susunod na linggo.
Sinertipikahan na “urgent” ng Malakanyang ang panukalang batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.