Si Marcos dahilan sa balak ko na iwasan ICC warrant – dela Rosa

By Jan Escosio March 25, 2025 - 02:03 PM

PHOTO: Ronald dela Rosa FOR STORY: Si Marcos dahilan sa balak ko na iwasan ICC warrant – dela Rosa
Sinabi ni Sen. Ronald dela Rosa nitong Lunes, ika-19 ng Agosto 2024 na maghahain siya ng resolusyon para mag-imbestigahan ang mga isiniwalat ni ex-Customs agent Jimmy Guban ukol sa drug smuggling. | Kuha ni Jan Escosio, Radyo Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Nagbago siya ng isip dahil nagbago rin ang isip ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang sagot ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa nang tanungin ukol sa pagbabago ng isip na ikinukunsidera na ang pagtatago kapag may utos na ang International Criminal Court na hulihin siya.

Ipinunto niya ang pagbabago ng posisyon ni Marcos kaugnay sa hurisdiksyon ng ICC sa Pilipinas.

BASAHIN: Ilegal ang gagawing pag-aresto na utos ng ICC – Bato dela Rosa

Binalikan ng senador ang pangako sa kanya ni Marcos na hindi hahayaan ang ICC na makapasok sa Pilipinas.

“Dapat flexible ka. Huwag kang magpa-fix diyan dahil panahon ng kagipitan ngayon marunong dumiskarte dapat,” sabi ni dela Rosa.

Idinagdag ng senador na susuko lamang siya kung ang isisilbi sa kanyang warrant of arrest ay mula sa isang korte dito sa Pilipinas.

Samantala, ibinahagi ni dela Rosa na binawi na sa kanya ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang pulis na itinalaga para pangalagaan siya.

Aniya, naiintindihan naman niya ang naging hakbang ng PNP para hindi maipit sa kasalukuyang sitwasyon.

TAGS: Duterte crimes against humanity, Ferdinand Marcos Jr., International Criminal Court, Rodrigo Duterte, Ronald dela Rosa, Duterte crimes against humanity, Ferdinand Marcos Jr., International Criminal Court, Rodrigo Duterte, Ronald dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.