Ilegal ang gagawing pag-aresto na utos ng ICC – Bato dela Rosa

METRO MANILA, Philippines — Nagpaalala nitong Martes si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa mga pulis na ilegal ang gagawing pag-aresto sa kanya base sa warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).
“Pagdating ng araw na lalabas ’yung warrant of arrest ko, huhulihin ako ng PNP… Ito lang ang masasabi ko sa inyo: Lahat nang ginagawa nila ay ilegal kasi ‘yung warrant na kanilang sine-serve sa atin, hindi ‘yan nanggagaling sa competent authority,” katuwiran ng senador.
Ipinagdiinan niya na hindi niya kikilalanin ang utos ng ICC na arestuhin siya.
BASAHIN: Bato dela Rosa handang samahan si Rodrigo Duterte sa The Hague
Kumpiyansa din si dela Rosa na mayorya sa mga Filipino ang katulad niya ang paniniwala ukol sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, ngunit nagtitimpi lamang ito dahil sa mga nasa gobyerno sa kasalukuyan.
Sa kabila nito, nanawagan si dela Rosa sa mga tagasuporta ni Duterte na manatiling kalmado at mahinahon kasabay ng pagpanawagan na ibalik sa Pilipinas ang dating pangulo.
Naninindigan si dela Rosa na kailangan ng matinding kampaniya sa paglaban sa droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.