
METRO MANILA, Philippines — Walang basehan ang sinasabing mga pagbabanta sa buhay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Malacañang.
Kinuwestiyon ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro nitong Lunes ang pinagmulan ng impormasyon ng kampo ni Duterte, na nagdulot ng pangamba sa Unang Pamilya.
Sinabi pa ni Castro na walang matibay na ebidensiya na may mag pagbabanta sa buhay ng dating pangulo, naka-detain sa The Hague dahil sa kanyang crimes againsnt humanity na kaso sa International Criminal Court (ICC).
At kahit kay Vice President Sara Duterte, ani Castro, ay wala rin namang pagbabanta.
“So, saan lamang po ito nakukuha? Kailangan po natin kasi na mga materyales na mga ebidensya bago po magsagawa ng ganitong mga klase statements, wala pong katotohanan iyan,” diin ng opisyal.
BASAHIN: Marcos admin officials itinangging isinuko sa ICC si Rodrigo Duterte
Bukod dito, iginiit ni Castro na hindi maaring ikumpara ang dating pangulo sa yumaong dating Sen. Benigno “Ninoy”Aquino Jr.
Ipinaalala na mismo ni Castro na may naging pagkukumpara si Duterte sa kanya at kay Adolf Hitler.
“Mayroon po siyang sinabi mismo. Sinabi pa dito, and I quote: ‘Hitler massacred three million. Now there is three million, what is it? Three million drug addicts in the Philippines. I’d be happy to slaughter them. At least, if Germany had Hitler, the Philippines would have me’,” ayon kay Castro.