5 drug suspects patay sa shootout sa QC; 1 police asset nadatnang nakabigti

Kuha ni Isa Umali
Kuha ni Isa Umali

Limang drug personalities ang napatay sa shootout na naganap sa Sitio Kawayan, Novaliches, Quezon City.

Ang nasawing mga suspek ay pawang miyembro umano ng Asero group na kilala sa kanilang mga illegal drug operations sa lugar.

Kuha ni Isa Umali

Ang sinalakay na bahay ay isang taon na umanong inookupahan ng grupo sa pamumuno ng lider nilang si Narciso Agabe Asero na kasama sa limang napatay.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) acting director Sr. Supt. Guillermo Eleazar, hindi lamang sangkot ang Asero group sa ilegal na droga, kundi sa iba pang petty crimes sa bahagi ng Novaliches, Quezon City.

Kuha ni Isa Umali

Sinabi ni Eleazar na maraming reklamo na silang natanggap laban sa Asero Group at kilala at kinatatakutan sila sa lugar dahil sa pagpapaputok ng baril, at paggamit at pagbebenta ng droga.

Sa katunayan aniya, bukod sa pagkakadawit sa ipinagbabawala na gamot, ang Asero group ay nasa nasa likod din ng mga kaso ng holdap at pagnanakaw.

Kuha ni Isa Umali

Kabilang sa mga nakumpiska sa crime scene ay isang granada, walong armas, mga sachet ng shabu at marijuana, at tatlong motorsiklo na pawang chinopchop na.

Nang dumating sa lugar ang mga otoridad, nadatnan din nila ang isang police asset na nakabigti.

Ayon kay Eleazar, posibleng natunugan ng mga suspek ang hindi pa pinapangalanang asset kaya pinatay nila ito.

 

 

Read more...