Marcos tiwala pa rin kay SolGen Guevarra

PHOTO: Menardo Guevarra FOR STORY: Marcos tiwala pa rin kay SolGen Guevarra
Solictor General Menardo Guevarra —File photo mula sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Pinagkakatiwalaan pa rin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Solicitor General Menardo Guevarra sa kabila nang pagtanggi ng huli na sumagot sa mga petisyon na may kaugnayan sa pag-aresto  kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro nagkaharap na sina Marcos at Guevarra sa Malacañang  at napag-usapan nila ang desisyon ng huli.

“Opo, nagkausap po sila at nakausap ko rin po ang pangulo patungkol diyan at sinasabi niya po na hindi naman nawawala ang kanyang tiwala kay Solgen Menardo Guevarra,” aniya.

BASAHIN: Mga anak ni Rodrigo Duterte may habeas corpus petition sa SC

Hindi rin aniya hiningi ng punong ehekutibo na magbitiw siya sa puwesto.

Tumanggi si Guevarra na maging bahagi sa pagsagot sa tatlong habeas corpus petitions na isinampa sa Korte Suprema ng kampo ni Duterte.

Read more...