Mga anak ni Rodrigo Duterte may habeas corpus petition sa SC

METRO MANILA, Philippines — Magkahiwalay na naghain ng habeas corpus petition sa Korte Suprema ang dalawang anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanilang petition for writ of habeas corpus, kapwa hiniling nina Veronica “Kitty” Duterte at Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na mapabalik ng Pilipinas ang kanilang ama.
Inilipad kagabing Martes sa The Hague, Netherlands, ang dating pangulo para litisin sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).
BASAHIN: ICC arrest warrant isinilbi kay dating Pangulong Duterte sa NAIA
Partikular din na hiniling ng magkapatid na iharap ng mga awtoridad sa Korte Suprema ang kanilang ama.
Ang petisyon ng pinakabatang Duterte ay inihain ni dating chief presidential legal counsel Salvador Panelo at ng kanyang anak na si Salvador Panelo Jr. na abogado rin.
“So ang mga grounds po natin para sa petition na ito ay unang-una hindi pwede maging batayan ng pag aresto at pag detena ng dating Pangulong Duterte ang ICC warrant of arrest dahil walang jurisdiction ang ICC sa ating bansa,” sabi ng nakakabatang Panelo.
BASAHIN: LIVE UPDATES: Rodrigo Duterte at The Hague
Binanggit sa petisyon ang pahayag mismo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na walang hurisdiksyon sa Pilipinas ang ICC kayat wala itong karapatan na manghimasok sa bansa.
Idiin naman ng alkalde ng lungsod ng Davao sa kanyang petisyon na pinagkaitan ng tamang atensyong medikal ang kanyang ama kahapon habang ito ay nasa kustodiya ng pambansang pulisya.
“The unlawful execution of an ICC warrant, despite the Philippines’ formal withdrawal from the Rome Statute, underscores a direct attack on national sovereignty and an illegal deprivation of liberty,’” sabi nito sa kanyang petisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.