Bato dela Rosa handang samahan si Rodrigo Duterte sa The Hague
METRO MANILA, Philippines — Binasag na ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa nitong Miyerkules ang ilang araw niyang pananahimik matapos pinaaresto ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang crimes against humanity na kaso.
Sa post sa kanyang Facebook account, sinabi dela Rosa, na dating hepe ng Philippine National Police (PNP), na handa niyang samahan si Duterte sa The Hague, Netherlands.
Aniya hiling lamang niya na payagan siyang makasama si Duterte upang maalagaan niya ito.
BASAHIN: ICC arrest warrant isinilbi kay dating Pangulong Duterte sa NAIA
Sa kanyang post, sinabi din ni dela Rosa na haharap siya sa ICC kapag walang nangyari sa mga legal na hakbang ng kanyang kampo dito sa Pilipinas.
Gagawin aniya niya ito upang hindi na madamay at maghirap pa ang kanyang pamilya dahil sa paghahanap sa kanya ng mga awtoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.