Ayon kay Belmonte, panay mga naka-sandals lamang at police assets ang mga nasasawi sa mga operasyon ng Philippine National Police o PNP.
Wala pa aniyang big-time drug pushers o drug lords ang nasasampolahan ng pulisya.
Pero kung mayroon man aniyang kapuri-puri, sinabi ni Belmonte na ito’y ang paglalantad ni Pangulong Duterte sa Triad drug lords na umano’y kinakanlong o pinoprotektahan ni retired Police general Marcelo Garbo, na isa sa mga tinawag na ‘Narco General.’
Ayon kay Belmonte, sana’y mapanagot alinsunod sa batas ang mga drug lord, na matagal nang namamayagpag sa bansa.
Muli namang iginiit ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat na kailangang may sumita kung may maling hakbang ang administrasyong Duterte kaugnay sa anti-drug campaign nito.
Kapag aniya walang mangangahas na bumatikos, sinabi ni Baguilat na maaaring isipin ng publiko na tama lamang ang pagkitil sa buhay ng mga hinihinalang sangkot sa droga o kriminal nang hindi dumadaan sa due process.