Dating Cong. Rodolfo Antonino at incumbent Cong. Arthur Yap pinakakasuhan sa PDAF scam

Antonino and YapPinakakasuhan na ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si dating Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino, kaugnay sa anomalya sa paggamit nito ng kanyang Priority Development Assistance Fund o PDAF.

Sa utos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, pinasasampahan ng dalawang bilang ng kasong katiwalian o paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Antonino, maging sina dating Department of Agriculture Secretary Arthur Yap; Alan Javellana, Rhodora Mendoza, Encarnita Cristina Munsod, Maria Ninez Guañizo, na pawang mga taga National Agri-Business Corporation (NABCOR).

Mahaharap na rin sa kaso sina Marilou Antonio, representative of Buhay Mo Mahal Ko Foundation, Inc. (BMMKFI) at Carmelita Barredo ng C.C. Barredo Publishing House.

Sa kanyang January 2007 letter, hiniling umano ni Antonino at direktang inendorso ang NABCOR at BMMKFI sa Agriculture Department bilang implementors ng kanyang livelihood training kits (LTK) project.

Noong March 2007 naman, ang BMMKFI na idinaan kay Antonino, ay kumuha mula C.C. Barredo ng 7,275 sets ng LTKs na nagkakahalaga ng P2,000.00 bawat isa o kabuuang P14.55million.

March 23 2007, idiniliver na raw ng supplier ang LTKs sa Roxas Boulevard na tinanggap at acknowledged umano ni Antonino.

Pero sa actual field verification ng Ombudsman, nabuko na ang nga ito ay ghost projects dahil itinanggi ng ilang local officials ng Nueva Ecija na tumanggap sila ng LTKs.

Wala rin daw project proposal, physical at audited financial reports, monitoring reports o due diligence na ginawa para sa supplier at NGO-selection process, bukod sa walang public bidding o procurement para sa proyekto.

Giit ni Ombudsman Morales, nagsabwatan ang respondents at nabatid na gumawa sila hindi tunay na report at iba pang liquidation documents para palutangin na naipatupad ang PDAF funded project.

Binigyang diin pa ng Ombudsman na sa PDAF o Pork Barrel system noon, ang kongresista ang may kontrol at kustodiya sa alokasyong ipinagkaloob sa kanya.

 

 

Read more...