Loyalty check sa AFP, PNP hindi kailangan – Malacañang

METRO MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang Malacañang sa katapatan ng mga pulis at sundalo kayat hindi kailangan na magsagawa ng “loyalty check” matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa utos ng International Criminal Court (ICC).
Sinabi ito ni Palace Press Officer Claire Castro nitong Bieyernes sa katuwiran na sumunod lamang ang gobyerno sa batas sa pag-aresto kay dating Duterte base sa arrest warrant mula sa ICC dahil sa crimes against humanity na kaso nito.
Idinagdag pa nito na pinabulaanan na ng Philippine National Police (PNP) na may mga pulis ang nagbitiw na dahil sa ginawa kay Duterte.
BASAHIN: ICC arrest warrant isinilbi kay dating Pangulong Duterte sa NAIA
Aniya, kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nanatiling tapat ang mga sundalo at pulis at hindi magpapa-apekto na nasa kustodiya na ngayon ng ICC ang dating pangulo.
Una nang pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may mga sundalong naligalig sa pag-aresto kay Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.