Suplay ng kuryente ngayong tag-init pinatitiyak ni Gatchalian sa DOE

METRO MANILA, Philippines — Hiniling ni Sen. Sherwin Gatchalian nitong Biyernes sa Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na tiyakin na walang magiging aberya sa suplay ng kuryente ngayon tag-init.
Sinabi ni Gatchalian na dapat tiyakin ng dalawang ahensya na makakasunod sa “preventive maintenance schedules” ang mga kompanya para maiwasan ang sorpresang pagkawala ng suplay.
Ayon sa senador dapat ay napaghandaan na ng mga kompanya ng kuryente ang pagtaas sa pangangailagan ng kuryente dahil sa mataas na temperatura dulot ng mainit na panahon.
BASAHIN: Magtipid sa kuryente ngayong tag-init – DOE sa mga konsyumer
Dagdag pa niya, sa mga nagdaang taon, napapadalas ang pagtataas ng yellow at red alerts tuwing summer season.
Una nang nagbabala ang National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) na maaring bumagsak ang ilang planta ng kuryente sa darating na mga linggo.
Hinimok din ni Gatchalian ang DOE at ERC na palawigin ang kanilang kampanya kaugnay sa pagtitipid sa paggamit ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.