Magtipid sa kuryente ngayong tag-init – DOE sa mga konsyumer

METRO MANILA, Philippines — Ngayong nararamdaman na ang mataas na temperatura, pinagbilinan ng Department of Environment (DOE) ang mga konsyumer na magtipid na sa paggamit ng kuryente.
Ang pagtitipid, ayon sa kagawaran, ay para matiyak ang sapat na suplay ng kuryente sa panahon ng tag-init.
Hinikayat ng DOE ang mga konsyumer na kontrolin ang paggamit ng kuryente mula 11 a.m. hanggang 3 p.m. tuwing Lunes hanggang Biyernes at 6 p.m. hanggang 9 p.m. tuwing Sabado at Linggo.
BASAHIN: Public school class hours sa San Juan binago dahil sa napakainit
Sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla na, tuwing summer sa bansa, malakas ang paggamit ng cooling appliances tulad ng air conditioner, electric fan, at refrigerator.
Aniya kapag hindi nagtipid sa kuryente, nahihirapan ang power grids kayat nagkakaproblema sa suplay.
Dinagdag pa ng kalihim na makakatulong kung matitiyak ng mga konsyumer na maayos ang lahat ng de-kuryenteng kagamitan sa bahay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.