Rep. Paolo Duterte nag-petition din sa SC na pauwiin ang ama

METRO MANILA, Philippines — Naghain din ng kanyang petisyon sa Korte Suprema si Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte para pigilan ang pakikipagtulungan ng gobyerno sa International Criminal Court (ICC) at Interpol.
Inihain ni Duterte ang petisyon kahapon matapos maghain ng katulad na petition for habeas corpus ang mga kapatid na sina Veronica “Kitty” Duterte at Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Ang abogadong si Harry Roque ang naghain ng petisyon ng mambabatas.
BASAHIN: Bato dela Rosa handang samahan si Rodrigo Duterte sa The Hague
Ayon pa sa mambabatas, ilegal ang pag-aresto at pagpapakulong sa kanyang ama, ang dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit nito na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas dahil tumiwalag na ang bansa sa Rome Statute noong 2019 base na rin sa utos ng kanyang ama.
Nasa kustodiya na ngayon ng ICC sa The Hague, Netherlands ang dating pangulo dahil sa kinahaharap na kasong crimes against humanity.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.