
METRO MANILA, Philippines — Binalaan ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Miyerkules ang publiko sa dumadaming insidente ng panloloko gamit ang National Identification card.
Ayon kay Chief National Statistician Dennis Mapa, dumami ang mga kaso ng phishing sa pamamagitan ng text messages, social media, at iba’t ibang messaging apps gamit ang National ID.
Aniya, ang alok ng tulong para sa pagkakaroon at pag-proseso ng National ID ay karaniwang isinasagawa sa pamamagitan ng pekeng websites, maging video calls.
BASAHIN:Patuloy ang pagbibigay ng national IDs – PSA
Pinaalala ng PSA na huwag basta-basta magbibigay ng mga personal na impormasyon sa mga hind kakilalang tao at agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad.
Idinagdag pa ni Mapa na hindi nanghihingi ang PSA ng mga personal na impormasyon sa pamamagitan ng social media o messaging platforms.