METRO MANILA, Philippines — Ang pagbibigay ng national ID ay magpapatuloy sa kabila nang pagbawi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa kontrata sa supplier ng plastic cards, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa pahayag ng PSA nitong Biyernes, may ilang format para sa mga nakapagpa-rehistro na, gaya ng ePhilID na makukuha sa registration centers at ang bagong Digital National ID.
Ayon pa sa ahensiya, suportado nila ang desisyon ng BSP na putulin na ang kontrata sa AllCard Inc., dahil sa kabiguan na tumupad sa mga obligasyon nito sa produksyon.
BASAHIN: Data leak sa National ID system pinabulaanan ng PSA
Kaugnay nito, sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na hihilingin niya na maimbestigahan sa Senado ang isyu.
Aniya, malaki ang posibilidad na mas maantala pa ang produksyon at pamamahagi ng dokumento dahil sa pangyayari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.