Kalma ang apilla ni Jinggoy Estrada sa pag-aresto kay Duterte

PHOTO: Jinggoy Estrada FOR STORY: Kalma ang apilla ni Jinggoy Estrada sa pag-aresto kay Duterte
Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada –File photo mula sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Umapila si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa sambayanan na manatiling kalmado matapos arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte base sa utos ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Estrada mataas ang mga emosyon at tumindi ang pagkakawatak-watak sa pagitan ng mga sumusuporta kay Duterte at sa mga naniniwala sa kasalukuyang administrasyon.

“I call on the Filipino people to remain calm and exercise sobriety as the legal proceedings unfold,” sabi ng senador.

BASAHIN: ICC arrest warrant isinilbi kay dating Pangulong Duterte sa NAIA

Panawagan din niya na iwasan ang anumang uri ng karahasan at pagpapakalat ng mga maling impormasyon na magpapalala pa ng sitwasyon,

Binanggit din ni Estrada na protektado ng mga batas ang mga karapatan ng dating pangulo.

Read more...