March electric bill tataas ngayong Marso, ayon sa Meralco
METRO MANILA, Philippines — Inanunsiyo ng Meralco nitong Martes ang pagtaas ng singil sa kuryente ngayong buwan ng Marso.
Base sa inilabas na abiso ng Meralco, tataas ng P0.2639 per kilowatt-hour ang halaga ng kuryente.
Nangangahulugan na ang nakakakonsumo ng 200 kWh kada buwan ay magbabayad ng karagdagang P53 at P106 naman sa may konsumo na 400 kWh.
BASAHIN: ERC usad-pagong sa Meralco power rate reset – Tolentino
Samantala, ang may buwanang konsumo na 500 kWH ay may karagdagang P132.
Ayon sa Meralco ang paggalaw sa presyo ng kuryente ay bunga ng pagbabago sa “reset fee” at pagtaas ng transmission charges dahil sa pagtaas ng singil ng National Grid Corp. of the Philippines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.