Chinese embassy kinalampag dahil sa pag-angkin sa Palawan

By Jan Escosio March 11, 2025 - 05:33 PM

PHOTO: Protesta ng Filipinos Do Not Yield sa harap ng Chinese embassy FOR STORY: Chinese embassy kinalampag dahil sa pag-angkin sa Palawan
Kinalampag ng Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement ang Embahada ng China sa Makati City dahil sa pag-angkin na rin sa Palawan. —Larawan mula sa FDNY

METRO MANILA, Philippines — Inalmahan ng grupong Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement ang pagbaluktot ng China sa kasaysayan para panindigan ang pang-aagaw sa West Philippine Sea (WPS).

Nagsagawa ng kilos-protesta ang grupo bunsod nang pag-aangkin ng China sa Palawan, gayundin ang patuloy na panggigipit sa mga mangingisdang Filipino sa West Philippine Sea.

Kinondena ng grupo ang mga agresibong aksyon ng China kasabay nang pag-aangkin ng teritoryo ng Pilipinas base sa baluktot na kasaysayan.

BASAHIN: Panukalang WPS Command ni Tolentino susuriin ni Marcos

“Dapat nang wakasan ang kalokohang ito. Hindi namin papayagan na agawin ninyo ang aming mga teritoryo at mga karapatan sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas,” idiin ni Jose Antonio Goitia, ang pangulo ng FDNY Movement.

Dinagdag pa ni Goitia na isinantabi na sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration ang sinasabing “historical rights” ng China sa buong South China Sea.

Sabi niya na ang pag-angkin sa WPS ng Pilipinas ay alinsunod din 1982 United Nations Convention of the Law of the Sea (UNCLOS).

Nanawagan ang grupo sa gobyerno ng China na igalang ang mga pandaigdigang batas.

TAGS: Filipinos Do Not Yield, Palawan, PH-China relations, West Philippine Sea, Filipinos Do Not Yield, Palawan, PH-China relations, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.