Panukalang WPS Command ni Tolentino susuriin ni Marcos

February 14, 2025 - 03:42 PM

PHOTO: Francis Tolentino FOR STORY: Panukalang WPS Command ni Tolentino susuriin ni Marcos
Senate Majority Leader Francis Tolentino —Larawan mula sa kanyang tanggapan

METRO MANILA, Philippines — Sinabi ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino na personal na niyang naiparating kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang panukala niyang pagbuo ng West Philippine Sea Command.

Ayon kay Tolentino, sinabi sa kanya ni Marcos na pag-aaralan ang kanyang panukala, gayundin ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nagkaharap sina Marcos at Tolentino sa campaign rally ng mga kandidato sa pagka-senador ng Alyansa ng Bagong Pilipinas sa Iloilo kahapon ng Huwebes.

BASAHIN: Marcos, Teodoro urged to create West Philippine Sea Command

BASAHIN: Tolentino nabastusan sa pahayag ng China sa Ph resupply mission sa Ayungin Shoal

Unang isinapubliko ni Tolentino ang panukala noong Miyerkules, at aniya sa pagkakaroon ng isang AFP Command na tututok sa pagbabantay sa West Philippine Sea ay mas mapapangalagaan ang teritoryo at soberanya ng Pilipinas.

Ginawa ito ng senador dahil sa nagpapatuloy na panghihimasok ng Chineses vessels sa karagatan ng Pilipinas.

Dinagdag pa ni Tolentino na kapag nagkaroon ng West Philippine Sea Command ang Armed Forces of the Philippines ay mas mapapagtibay ang pagpapatupad ng bagong Philippine Maritime Zones Act.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Francis Tolentino, West Philippine Sea Command, Ferdinand Marcos Jr., Francis Tolentino, West Philippine Sea Command

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.