Go ipinapaimbestiga sa DOH pagkamatay ng sanggol sa Bohol

By Jan Escosio March 10, 2025 - 01:50 PM

PHOTO: Christopher Go FOR STORY:P Go ipinapaimbestiga sa DOH pagkamatay ng sanggol sa Bohol
Sen. Christopher Go (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Hinimok ni Sen. Christopher “Bong” Go ang Department of Health (DOH) nitong Lunes na imbestigahan ang pagkamatay ng isang sanggol dahil sa umano’y kapabayaan sa isang pampublikong ospital sa Bohol.

“Nakikiramay ako sa mga magulang ng baby na namatay matapos tatlong beses diumano tinanggihang ma-admit sa Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital, isang DOH-run hospital sa Tagbilaran City, Bohol,” sabi ni Go.

Aniya, hiniling niya na maimbestigahan ang pangyayari upang malaman kung dapat papanagutin at upang hindi na ito maulit.

BASAHIN: Bong Go sinigurong tutukan ang paggamit ng 2025 budget ng PhilHealth

“Nakakagalit, nakakalungkot kung bakit kailangang humantong sa puntong mamatay ang kawawang sanggol,” dinagdag pa ni Go, na siyang namumuno sa Senate health committee.

Sa Facebook video post ng ina ng sanggol, sinabi nito na ika-2 ng Marso nang lagnatin, sumuka, at nagka-diarrhea ang anak at kinabukasan ay dinala niya ito sa naturang ospital ngunit hindi pina-admit.

Nang sumunod na araw, ika-3 ng Marso at noong ika-4 ng Marso ay muling dinala sa ospital ang sanggol ngunit muling tinanggihan na ma-admit sa ospital sa katuwiran na hindi naman kritikal ang kondisyon nito.

Namatay ang sanggol noong ika-5 ng Marso sa kabila nang pagsusumikap na ng medical staff na lapatan ng lunas.

TAGS: Christopher Go, department of health, infant death, Christopher Go, department of health, infant death

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.