P600B at pataas na kita sa online gaming ipapadeklara ni Escudero

By Jan Escosio March 10, 2025 - 11:17 AM

PHOTO: Francis Escudero FOR STORY: P600B at pataas na kita sa online gaming ipapadeklara ni Escudero
Si Sen. Francis Escudero ang bagong napiling Senate president nitong Lunes, ika-20 ng Mayo 2024. —INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Nais ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na mabusisi ang kinikita ng online gaming industry sa bansa upang malaman ang kabuuang halaga ng itinataya ng mga Filipino.

Aniya, nakatanggap ng mga ulat ang kanyang opisina na umaabot mula P600 bilyon hanggang P1 trilyon kada taon ang naitataya sa online gaming sa bansa.

“Ang nakikita lang kasi natin ay ‘yung gross revenues, net income ng mga gaming and gambling firms. Pero dapat ilabas ang total na taya na inilalagay ng mga Filipino across the board and in all platforms,” sabi pa ng senador.

BASAHIN: Pagsipa ng BI sa POGO bosses ipabubusisi ni Gatchalian sa Senado

Bunga nito, hiniling ni Escudero na magkaroon ng financial audit sa internet gambling platforms.

Idiniin pa nito na dapat busisiin ang Philippine inland gaming operators (PIGOs) tulad ng ibinigay na atensyon sa Philippine offshore gaming operators (POGOs).

Umaasa si Escudero na sa pag-iimbestiga sa PIGOs, maisasapubliko ang pagbabayad ng buwis ng mga ito at kung sino-sino ang mga may-ari, ang halaga ng bahagi ng gobyerno sa kita, maging ang mga nagagawang krimen ng mga sugapa sa online gaming.

TAGS: Francis Escudero, online gaming, Francis Escudero, online gaming

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub