Pagsipa ng BI sa POGO bosses ipabubusisi ni Gatchalian sa Senado

By Jan Escosio March 06, 2025 - 10:47 AM

PHOTO: Collage of cards and casino chips superimposed over photo of a POGO raid. FOR STORY: Pagsipa ng BI sa POGO bosses ipabubusisi ni Gatchalian sa Senado
INQUIRER.net stock photo

METRO MANILA, Philippines — Dismayado si Sen. Sherwin Gatchalian sa mga ibinahaging ulat ng Bureau of Immigration (BI) ukol sa pagpapalayas sa bansa ng mga naarestong hinihinalang utak ng illegal Philippine offshore gaming operations (POGOs).

Sinabi ni Gatchalian na maghahain siya ng resolusyon para isumite ng kawanihan ang kumpleto at detalyadong ulat ng deportasyon ng mga POGO bosses, na karamihan ay Chinese nationals.

Ikinatuwiran niya na sa napakaraming insidente na nasangkot ang BI sa kontrobersya at iskandalo hindi maitatanggi na maaring may bahid ng korapsyon ang naging proseso ng deportasyon.

BASAHIN: 6 na South Koreans, 15 Pinoy huli sa hotel basement Pogo hub

Unang isiniwalat ni Sen. Risa Hontiveros na may impormasyon siya na hindi nakarating ng China ang POGO bosses nang palayasin sa Pilipinas at tumakas ang mga ito sa “stop-over” ng kanila sinakyang eroplano sa Hong Kong.

Nais din ni Gatchalian na ipaliwanag ng BI ang kakulangan pa rin ng konkretong detalye ukol sa pagtakas ni dating Bamban Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping patungong Malaysia sa kalagitnaang ng mga kaliwa’t kanang pag-iimbestiga ng Senado at iba pang ahensiya ukol sa POGO.

TAGS: illegal Pogos, Philppine offshore gaming operations, Sherwin Gatchalian, illegal Pogos, Philppine offshore gaming operations, Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.