Petisyon vs 2025 national budget hiniling ng OSG na ibasura ng SC
METRO MANILA, Philippines — Hiniling ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema na ibasura ang petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng pambansang pondo ngayon taon.
Sa isinumiteng 89-pahinang komento na may petsang Pebrero 27, sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na kapos sa merito at depektibo ang inihaing petisyon laban sa 2025 General Appropriations Act.
Ikinatuwiran din ng OSG na malinaw na ang motibo sa paghahain ng petisyon ay hindi pagkuwestyon sa integridad ng 2025 GAA kundi ang para maharang ang pagpapatupad ng mga proyekto at programa ng gobyerno.
BASAHIN: Banta ng kaso, kulong dahil sa 2025 budget minaliit ni Escudero
Isinantabi din ni Guevarra ang mga pagdududa ukol sa mga sinasabing blanko sa 2025 GAA at aniya ang tinukoy ay ang enrolled bill at hindi ang committee report.
Ang petisyon na kumuwestiyon sa 2025 GAA ay inihain nina Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab at dating Executive Sec. Vic Rodriguez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.