Banta ng kaso, kulong dahil sa 2025 budget minaliit ni Escudero

METRO MANILA, Philippines — Minaliit ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang mga banta na makukulong ang lahat ng mga pumirma sa 2025 General Appropriations Act.
Sinabi ni Escudero na wala pang nasampahan ng anumang kaso dahil sa pagpapalabas ng committee o bicameral report.
Wala rin aniyang basehan ang mga paratang na walang bisa o ilegal ang General Appropriations Act of 2025.
BASAHIN: Malacañang binuweltahan kampo ni Rody Duterte ukol sa 2025 budget
“No bicameral conference committee report has yet been declared unconstitutional. No committee report has yet been declared unconstitutional. In fact, no one has yet been sued in court to declare a committee or bicameral conference committee report unconstitutional,” idiniin ng senador.
Idinagdag pa ni Escudero na tanging ang batas ang maaring pagdudahan na labag sa Saligang Batas at kuwestiyunin sa korte.
Ang pahayag na ito ni Escudero ay base sa mga alegasyon na may ilang probisyon sa 2025 GAA ang blangko at walang nakasulat na halaga.
Kabilang ito sa mga nagsilbing saksi ng pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. a ng 2025 GAA sa Malacañang noong ika-30 ng Disyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.