‘One Town, One Product’ magpababa ng food prices – Tolentino

PHOTO: Francis Tolentino FOR STORY: ‘One Town, One Product’ magpababa ng food prices – Tolentino
Sen. Francis Tolentino —FILE PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Kumpiyansa si Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino na mababawasan ang presyo ng mga pagkain kung mapapalawak sa bawat rehiyon sa bansa ang konseptong “One Town, One Product.”

Ayon sa senador, may mga tampok na produktong pagkain ang bawat rehiyon at tumataas ang presyo ng mga ito tuwing dinadala at inilalako sa ibang mga lugar.

Aniya, kailangan pag-aralan ito ng husto ng mga opisyal ng Department of Agriculture at magkaroon ng ugnayan ang mga lokal na opisyal para sa pagbebenta ng kani-kanilang tampok na produkto sa mababang presyo.

BASAHIN: Panukalang WPS Command ni Tolentino susuriin ni Marcos

Ibinigay pa niyang halimbawa ang mga gulay mula sa Baguio na nagmamahal ang presyo habang papalayo nang papalayo ang bentahan mula sa Cordillera Region, gayundin ang mga produkto sa Bicol, partikular na ang sili.

“The One Town, One Product concept can be expanded to involve agricultural products on a regional basis catering to distinct endemic products coming from this region and other regions as well,” ani Tolentino.

Bago ang campaign rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Camarines Sur, nag-ikot sa mga pamilihan sa Naga City at bayan ng Pili si Tolentino.

Read more...