Abalos ikinatuwa ang hatol sa lalaking gumahasa ng 111 na bata

By Jan Escosio March 07, 2025 - 02:30 PM

PHOTO: Benhur Abalos FOR STORY: Abalos ikinatuwa ang hatol sa lalaking gumahasa ng 111 na bata
Si dating Interior Secretary Benhur Abalos nang iharap sa publiko si Teddy Jay Mejia matapos itong maaresto sa United Arab Emirates noong 2023. —Larawan mula sa opisina ni Abalos

METRO MANILA, Philippines — “Demonyo” ang ibinansag ni dating Interior Secretary Benhur Abalos sa lalaking nanggahasa ng 111 mga menor de edad at nasakdal sa ibat-ibang kasong kriminal sa magkahiwalay na korte sa Nueva Ecija at Nueva Vizcaya.

Ikinatuwa ni Abalos ang hatol na guilty kay Teddy Jay Mejia sa mga kasong qualified trafficking, statutory rape, paglabag sa Anti-Online Sexual Exploitation of Children, at paglabag sa Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act.

Magugunita na noong Setyembre 2024 sa pakikipag-ugnayan ni Abalos sa Ministry of the Interior sa United Arab Emirates (UAE), naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) si Mejia matapos matunton ang mga binebenta niya online na mga malalaswang materyales na kinatatampukan ng mga bata.

BASAHIN: Benhur Abalos umani ng suporta mula sa OFWs sa Hong Kong

Base sa imbestigasyon, umabot sa siyam na bansa ang nakapag-access sa mga ilegal na materyales.

Sinabi ni Abalos na marami sa mga biktima ni Mejia ay mga nasa pagitan ng siyam hanggang 11 ang edad.

Bunga ng kanyang ginawa, umani ng mga papuri at pagkilala si Abalos sa kanyang adbokasiya na labanan ang lahat ng uri ng pang-aabuso sa mga bata at kabataan.

At bago magbitiw sa Department of the Interior and Local Government si Abalos, naglabas pa ito ng memorandum na nag-aatas sa lahat ng lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansa  laban sa online sexual abuse or exploitation materials.

TAGS: 2025 elections, benhur abalos, child rape cases, Philippine elections, 2025 elections, benhur abalos, child rape cases, Philippine elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.