Benhur Abalos umani ng suporta mula sa OFWs sa Hong Kong

By Jan Escosio March 06, 2025 - 04:47 PM

PHOTO: Benhur Abalos FOR STORY: Benhur Abalos umani ng suporta mula sa OFWs sa Hong Kong
Dating Interior Secretary Benhur Abalos —File mula sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Mainit ang naging pagtanggap kay dating Interior Secretary Benhur Abalos ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa kanyang pagbisita sa Hong Kong kamakailan.

Bunga nito, lubos na pinasalamatan ni Abalos ang OFWs at nangako na magsusulong ng mga panukalang-batas para sa ikabubuti ng kabuhayan ng lahat ng Filipinos, kabilang na ang OFWs.

“Mga kababayan ko  dito sa Hong Kong, tandaan ninyo, iisang pamilya tayo. Inaalay ko ang sarili ko sa inyo,” sabi ni Abalos na umani ng hiyawan sa mga kaharap na OFWs.

BASAHIN: Abalos ipinagtanggol ang PNP operation sa compound ni Quiboloy

Tinatayang humigit kumulang 140,000 ang bilang ng mga nagtatrabahong Filipino sa Hong Kong, na karamihan ay household service workers.

Binanggit din ni Abalos sa OFWs na batid niya ang kinakaharap nilang mga hamon at sakripisyo kayat pinagbilinan ang mga ito na huwag mawalan ng pag-asa.

“Mga kasama, tandaan ninyo ito. Walang taong walang problema at walang problemang walang solusyon. Whether we like it or not, isang bangka tayo. Matanda, bata, lalaki, babae — henerasyon natin ito. Tandaan niyo yan, walang imposible,” sabi pa niya.

TAGS: 2025 elections, benhur abalos, Philippine elections, 2025 elections, benhur abalos, Philippine elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.