Alyansa ng Lakas, PFP ang pinakamalakas – Romualdez, Revilla

By Jan Escosio May 08, 2024 - 07:58 PM

PHOTO: Signing of alliance between  PFP and Lakas-CMD STORY: Alyansa ng Lakas, PFP ang pinakamalakas – Romualdez, Revilla
Ang pinakamalaking power bloc sa House of Representatives, Lakas CMD, at ang partido ni President Ferdinand Marcos Jr., ang Partido Federal ng Pilipinas, ay pumirma nitong Miyerkules, ika-8 ng Mayo 2024, ng kanilang pagsasaib bilang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas. Pinangunan ang pirmahan nina PFP Chair President Marcos Jr.; Lakas-CMD President at House Speaker Martin Romualdez; Lakas-CMD Chair Sen. Bong Revilla; and PFP President South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo. (INQUIRER.net photo)

METRO MANILA, Philippines — Buo ang paniwala ni House Speaker Martin Romualdez na ang ang pinakamalakas na alyansa ngayon sa bansa ay binubuo ng dalawang grup0 — ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at ang Lakas Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

Sinabi ito ni Romualdez matapos ang pormal na pagsasanib puwersa ng dalawang partido, na tinawag na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas (ABP).

Ang PFP ang partido ni Pangulong Marcos Jr. at si Romualdez naman ang pangulo ng Lakas-CMD.

Diin ni Romualdez ang sanhi ng lakas ng ABP ay hindi lamang galing sa bilang ng kanilang mga kasapi kundi pati na rin sa nagkaisang hangarin nila na magpatupad ng tunay na pagbabago sa Pilipinas.

Samantala, sa kabila ng kanyang kondisyon, pinilit ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., na makadalo sa pirmahan para sa pormal na kasunduan sa Makati City.

Ayon kay Revilla, ang chairperson ng Lakas-CMD, bagamat pinayuhan siya ng doktor na mag-trabaho na lamang sa bahay, pinilit niya na makadalo dahil ayaw niyang palagpasin ang makasaysayang pagbuo ng alyansa.

Naniniwala si Revilla na mas lumawak at napagtibay ang pagsuporta kay Marcos dahil sa nabuong alyansa.

TAGS: Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, Lakas-CMD, Partido Federal ng Pilipinas, Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, Lakas-CMD, Partido Federal ng Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.