6 na South Koreans, 15 Pinoy huli sa hotel basement Pogo hub

METRO MANILA, Philippines — Sinalakay ng mga awtoridad ang isang illegal Philippine offshore gaming operator (Pogo) hub sa Pasay City kahapong hapon ng Lunes.
Kasama sa pagsalakay ang mga tauhan ng tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Bureau of Immigration, at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP).
Naaresto sa operasyon sa basement ng Heritage Hotel ang anim na South Korean at 15 na Filipino.
BASAHIN: Gatchalian: Nagtakbuhan sa mga probinsiya ang mga Pogo
Nabatid ng Radyo Inquirer na ang operasyon ay base sa intelligence report na isang grupo ng mga South Koreans ang nagsasagawa ng online gaming sa basement ng hotel at target sa kanilang modus ang kanilang mga kababayan.
Sinabi ng PAOCC na ang sindikato ay sangkot din sa game fixing at online scamming.
Mahaharap sa mga reklamong paglabag sa Securities Regulation Code at sa Anti-Financial Account Scamming Act, illegal gambling, at money laundering ang mga inaresto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.