DA maglalabas ng 3M sako ng NFA rice laban sa mataas na presyo
METRO MANILA, Philippines — Maglalabas ang Department of Agriculture (DA) ng 150,000 metric tons ng bigas mula sa National Food Authority (NFA) para maibsan ang mataas na presyo nito.
Gagawin sa loob ng anim na buwan ang distribusyon ng tatlong milyong 50 kilo ng bigas sa mga lugar na mataas ang presyo ng pangunahing butil sa bansa.
Binabalak din ng kagawaran na bumili ng palay sa halagang P23 bawat kilo pagpasok ng anihan sa susunod na buwan.
BASAHIN: P58 per kg MSRP sa imported rice ipapatupad sa Metro Manila muna
Sinabi ni NFA Administrator Larry Lacson sa pagpapalabas nila ng bigas ay magkakaroon naman ng espasyo sa kanilang mga bodega para sa bibilhing palay.
Tiniyak ng opisyal na sa kabila ng pagpapalabas nila ng bigas magkakaroon pa rin ng sapat na suplay kapag may dumating na kalamidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.