Notorious pusher, patay sa Pasay

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Patay na ng dalhin sa  Pasay City General Hospital ang isang lalake na kilalang  notorious na pusher at holdaper.

Ito ay matapos na pagbabarilin ng riding in tandem sa may bahagi ng northbound lane ng EDSA Rotonda, Pasay City.

Ayon Kay SPO3 Alexander Macarunay ng Pasay City police, habang nakatambay

ang biktima  sa tapat ng isang parlor, lumapit ang dalawang riding in tandem sa biktima  agad itong pinagbabaril.

Matapos ang pamamaril nag-iwan pa ng isang karton ang mga suspek na may nakasulat na “traydor ka, eh holdaper pusher ka rin, mga tulad mo susunod na rin.”

Apat na basyo ang nakuha sa lugar habang may tama rin ng mga bala ang parlor na pinagtambayan ng biktima,  anim na beses naman  nakarinig ng putok ng baril ang mga saksi.

Kinumpirma naman ng barangay 146 sa Pasay City na notorius na holdaper at pusher ang napatay na biktima.

Naisugod pa sa pagamutan ang lalake ngunit idineklara ring dead on arrival.

Read more...