Apat na Chinese Nationals ang arestado sa ikinasang Joint Intelligence Operation ng Police Regional Office 3 at ng lokal na pamahalaan ng Subic,Zambales.
Sa panayam Kay Police Regional Director Sr.Supt Christopher Mateo, kinumpirma nito ang pagkakasakote ng apat na Chinese sa loob ng isang fishing vessel na nakadaong sa boundary ng SBMA at Subic.
Hindi naman muna pinangalanan ni Mateo ang apat na tsino habang nagpapatuloy ang kanilang pag-iimbestiga sa mga ito at sa posibleng mga kasabwat ng kanilang sindikato dito sa Pilipinas.
May Posibilidad din Aniya na may kaugnayan ang mga ito sa anti-drug operation na ikinasa rin kamakailan sa Claveria, Cagayan.
Sa panayam naman Kay Subic Mayor Jay Khonghun, sinabi nito na posibleng isang uri ng floating shabu laboratory ang barko na sinakyan ng apat na tsino.
Nakuha sa barko ang tinatayang aabot sa halos isang kilo ng shabu.
Batay din sa kanilang pagsisiyasat sa mga pasaporte ng mga suspek ay pitong araw pa lamang ang nakalilipas nang i-isyu sa Hong Kong ang pasaporte ng mga ito.
Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng PNP ang mga naturang Chinese pero hindi muna tinukoy ng mga otoridad kung saang partikular na himpilan ng pulisya dinala ang apat.
DAhil sa nadiskubre, napasugod din sa lugar si PNP Chief,Dir General Roland “Bato” delaRosa.