20 pasahero, sugatan sa jeepney accident sa Antipolo

 

Dalawampung pasahero ang nasugatan sa Antipolo City matapos na mawalan ng kontrol ang kanilang sinasakyang pampasaherong jeepney.

Ayon kay Marlon Amante, tsuper ng jeepney na may plakang TVZ-726, nawalan siya ng kontrol matapos sumabog ang gulong sa likurang bahagi ng jeepney.

Dahil dito, bumaligtad ang jeepney na kanyang minamaneho sa kahabaan ng Sumulong highway malapit sa Sitio Senora, Delapaz, Antipolo City.

Galing ang dyip ng Cubao at papunta ng Antipolo habang lulan ang may 19 na pasahero ng maaksidente ang jeepney.

Ang 20 nasugatan kabilang na ang driver ay magkakahiwalay na dinala sa Amang Rodriguez Hospital,  Rizal Provincial Hospital at Antipolo District Hospital na pawang mga nagtamo lamang ng mga minor injury.

Read more...