Revilla sa pagbagsak ng Isabela bridge: ‘Magpagulong ng mga ulo!’

PHOTO: Ramon Revilla Jr. FOR STORY: Revilla sa pagbagsak ng Isabela bridge: ‘Magpagulong ng mga ulo!’
Sen. Ramon Revilla – File photo mula sa the Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Hindi maaring walang managot sa pagbagsak ng tulay sa Isabela, ayon sa pahayag ni Sen. Ramon “Bong” Revilla  Jr. nitong Martes.

Aniya ay dapat may managot sa Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil ito ang nangasiwa sa pagtayo ng P1.2 bilyong halaga ng tulay sa bayan ng Santa Maria, kung saan bumagsak ang tulay.

Dinagdag pa ng senador na dapat ay ma-blacklist din ang kontraktor ng tulay, bukod pa sa ayusin ang tulay ng wala ng ilalabas na pondo ng gobyerno.

BASAHIN: Villanueva sa DPWH: Nasaan ang 5,500 flood control projects?

Nabatid ng Radyo Inquirer na pitong taon palang ang nakalipas mula ng ginawa ang tulay at dalawang taon pa lamang nagagamit.

“Hindi maaari ang trabahong basta na lang at ang bagsak sa kalidad na kahahantungan ng mga pampublikong imprastraktura,” ani Revilla.

Read more...