Escudero bumuwelta sa mga nagmamadali sa VP impeachment trial

By Jan Escosio February 28, 2025 - 03:38 PM

PHOTO: Francis Escudero FOR STORY: Escudero bumuwelta sa mga nagmamadali sa VP impeachment trial
Si Sen. Francis Escudero ang bagong napiling Senate president nitong Lunes, ika-20 ng Mayo 2024. —INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang mga kongresista at mga grupo na patuloy na simulan na ang matinding pag-aaral sa halip na mangulit na agad nang umpisahan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Nangangamba si Escudero na kapag nagsimula na ang paglilitis ay bigla naman hihingi ng oras ang mga taga-usig para mapag-aralan ang mga argumento, bukod pa sa posibleng pag-arte para magkaroon ng oras.

Idiniin ng senador na mahaba ang panahon hanggang sa pagsisimula ng impeachment trial sa Hulyo para makapaghanda ng husto ang 11 na kongresista na aaktong taga-usig ni Duterte.

BASAHIN: Pimentel hihirit ng senator’s caucus ukol sa VP impeachment trial 

Ilan sa mga taga-usig na kongresista ang patuloy na iginigiit na dapat nang simulan ang paglilitis dahil masyadong matagal pa ang buwan ng Hulyo.

Inulit lang din ni Escudero na hindi maaring isagawa ang paglilitis dahil naka-bakasyon ang dalawang kapulungan ng Kongreso.

Bunuwelta pa ng senador sa mga kongresista na inabot ng dalawang buwan bago nagkaroon ng konkretong aksyon sa Kamara sa impeachment complaints laban kay Duterte.

TAGS: Francis Escudero, Sara Duterte impeachment trial, Francis Escudero, Sara Duterte impeachment trial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub