Lacson ipinanukala ang counterflow sa EDSA bus lane
METRO MANILA, Philippines — Nagbigay ng suhestiyon si dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson para matuldukan na ang ilegal na paggamit ng EDSA bus lane.
Sinabi ni Lacson na maaaring ikunsidera ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “reverse direction” or “counterflow” sa bus lane.
Ipinaliwanag niya na sa kanyang alok na solusyon ang mga bus na mula sa Caloocan City at patungo sa Pasay City ay padaanin na lamang sa north-bound bus lane at ang mga mula naman sa Pasay City ay dadaan sa south-bound bus lane patungo sa Caloocan City.
BASAHIN: EDSA bus lane balak alisin; MRT 3 trains dadagdagan
Katuwiran ni Lacson na walang may gusto ng head-on collision kayat matitigil na ang ilegal na paggamit ng EDSA bus way.
Dinagdag pa niya na dapat at walang exempted sa mga patakaran sa paggamit ng eksklusibong linya sa EDSA na para lamang sa carousel buses.
Kamakailan, isang mataas na opisyal ng pambansang-pulisya ang sinita sa paggamit ng EDSA bus way patungo sa Camp Crame sa katuwiran na nagmamadali ito na makarating sa isang “emergency meeting.”
Pinaalala naman ng Malacañang na hindi maaring ikatwiran ang emergency para makadaan sa bus way ang hindi awtorisadong sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.