Bumangga sa PH fishing boat sa WPS pinahahanap ni Tolentino

METRO MANILA, Philippines — Nanawagan si Sen. Francis “Tol” Tolentino nitong Huwebes sa mga kinauukulang ahensya na kilalanin at papanagutin ang bumangga sa bangka ng mga mangingisdang Filipino sa West Philippine Sea (WPS).
Kasunod ito ng pagkondena ni Tolentino ng insidente na nagresulta sa pagkawala ng tatlong mangingisda at pagkawasak ng bangka ng mga Filipino.
Nabatid na ang insidente ay nangyari noon pang nakalipas na Enero 30 malapit sa Scarborough Shoal.
BASAHIN: Chinese research ship nakita malapit sa Occidental Mindoro
“Nagpapasalamat ako na nailigtas ang lima sa walong mangingisda na nakitang palutang-lutang sa laot matapos ang 17 na araw,” sabi ni Tolentino, na siyang namumuno sa Senate special committee on maritime and admiralty zones.
Aniya marami ng katulad na insidente ng “hit and run” sa karagatan ng Pilipinas, at isa na ang pagbangga ng isang foreign cargo vessel sa bangka ng mga Filipino noong nakaraang Hulyo sa karagatang sakop ng Subic, Zambales..
Noong Oktubre 2023, binangga ng isang oil tanker ang bangka ng mga nangisngisdang Filipino malapit sa Panatag Shoal na ikinasawi ng tatlo sa mga sakay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.