Chinese research ship nakita malapit sa Occidental Mindoro

METRO MANILA, Philippines — Malapit sa Cabra Island sa Lubang, Occidental Mindoro namataan kaninang umaga ng Martes ang isang Chinese research vessel.
Ito ang ibinahagi ni Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, ang Philippine Navy spokesperson for West Philippine Sea.
Ayon kay Trinidad naniniwala sila na patungo na sa Shandong, China ang Lan Hai 101.
BASAHIN: Chinese vessels dumami sa WPS, ayon sa Philippine Navy
Unang namataan ang naturang Chinese research vessel sa silangan ng Palawan noong ika-9 ng Pebrero.
Galing sa Port Klang sa Malaysia ang barko at nagsabi na nakikiraan lamang ito karagatan ng Pilipinas dahil umiwas sa masamang panahon.
Binabantayan ang Lan Hai 101 ng BRP Andres Bonifacio at BRP Melchora Aquino, kapwa ng Philippine Coast Guard.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.